I heard this poem for the first time from one of our most memorable Ateneo professors, Sir Bobby Guev. The way he read it gave me goosebumps. It's as if every word coming from him was shaped by years of experience. I knew he read this poem every semester to his students, but it never sounded like a routine. We were in a theater, it was his one man show, and we were all mesmerized by Bobby Guev. May pusong kasama.
Fortunately, a friend reread it again several days ago when he talked to a group of students having a retreat. Allow me to share it with you guys, although it's better if you listened rather than read.
-------------------------------------------------------------------------------
Mangyari lamang na tumayo rin ang mga nagmahal atnasawiNang makita ng lahat ang mga sugat ng isang bayaniIpadama ang pait ng kabiguanHabang ipinagbubunyi ang walang katuladNa kagitingan ng isang nagtaya.
Mangyari lamang ay tumayo ang mganangangambang magmahalNang makita ng lahat ang kilos ng isang bataIpamalas ang katapatan ng damdamin na pilit ikinukubliNg pusong lumaki sa mga engkanto’t diwata.
Mangyari lamang na tumayo angnagmahal, minahal at iniwanNgunit handa pa ring magmahalNang makita ng lahat ang yaman ng karanasanIpamalas ang katotohanang nasaksihanNang maging makahulugan ang mga paghahagulhol sa dilim.
At sa mga nanatilingnakaupoMangyari lamang ay dahan-dahang tumalilisPalabas sa nakangangang pintoUmuwi na kayo!At sumbatan ang mga magulangNa nagpalaki ng isang halimaw.
At sa lahat ng mga nakaiwang nakatayoMangyari lamang na hagkan ang isa’t isaAt yakapin ang mga sugatanMabuhay tayong lahatNa nagsisikap makabalik sa ating pinagmulan
Manatiling masaya at higit sa lahatMagpatuloy sa pagmamahal.
by Rico Abelardo
1 comment:
I can't get over this one. :)) hahaha shet.
Post a Comment